Inilahad ng isang alagad ng agham sa Father’s Day special ng programang “Warm Heart” kung paano niya naitaguyod ang kanyang mga obligasyon bilang isang ama, partikular na sa pagpapatapos ng kanyang mga anak.
Ayon sa 78-taong gulang at semi-retired scientist, na siya ring may-ari ng Pertua oil company, na si Engr. John A. Simon, sinikap niya na mapag-aral sa mga magagandang eskwelahan ang kanyang mga anak.
Ibinahagi ni Engr. Simon na ilan sa kanyang mga anak ay nakapag-aral pa sa University of California, Berkeley at New York University, kung ang isa sa kanila ay mayroong plano na maging isang abogado.
Ayon sa Pertua owner, kasama na niya sa negosyo ang dalawa niyang anak na babae.
Samantala, ani Engr. Simon, mayroon din siyang isang anak na nagkaroon ng sariling negosyo at nagkaroon ng kakayahan na makapaglibot kasama ang kanyang pamilya sa iba’t ibang bansa.
Dagdag niya, mayroon din siyang isang anak na nakapagtrabaho sa Pentagon bilang isang cybersecurity engineer.
Binigyang-diin ng Pertua owner na nais niyang matiyak na maganda ang magiging kinabukasan ng kanyang mga anak kaya naman pinag-aral niya ang mga ito sa maaayos na paaralan.
Ayon pa kay Engr. Simon, masaya siya sa nakamit ng kanyang mga anak.