Photo courtesy of Province of Pangasinan
Umabot sa 714 na farmer’s cooperative and association (FCA) sa lalawigan ang opisyal nang nakatanggap ng mga bagong agricultural equipment mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III.
Ang malawakang pamamahagi ng mga makinarya ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office.
Pangunahing layunin ng programang ito na ibaba ang gastusin at matulungan ang mga lokal na magsasaka sa kanilang produksyon upang mas mapabilis ang kanilang pag-aani.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasya ng administrasyong Guico na mapalakas at maiangat pa ang kabuuang sektor ng agrikultura, na isa sa mga pangunahing pangkabuhayan sa buong lalawigan ng Pangasinan.