Mabilis na tumugon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII upang maghatid ng tulong-pinansyal sa siyam (9) na mag-aaral na sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa iba’t-ibang pagamutan sa Tacloban City matapos ang naganap na insidente ng pamamaril sa isang paaralan.
Bukod dito, kasalukuyan nang sinusuri ang kalagayan ng apat (4) pang mag-aaral upang matukoy ang sapat at karagdagang suporta na maaari nilang matanggap sa mga susunod na araw.
Upang maibsan ang bigat na nararanasan ng pamilya ng nasawing biktima, tiniyak din ng ahensya ang pagpaabot ng burial assistance.
Sa ngayon, mahigpit ang pakikipagtulungan ng DSWD sa pamahalaang lokal at sa mga kaugnay na sangay ng gobyerno upang masigurong tuloy-tuloy, maagap, at komprehensibo ang serbisyong matatanggap ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya sa gitna ng krisis na ito. | ulat ni Ma. Daisy Amor Lalosa-Belizar | RP Borongan
📸 DSWD8

