Pinaigting ng Northern Police District (NPD) ang police visibility at security measures sa mga paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, school personnel, at mga magulang.
Nagtalaga na si Acting District Director Police Brigadier General Benliner L. Capili ng mga pulis na magsasagawa ng regular na pagpapatrol at pagbabantay sa paligid ng mga paaralan, at agarang pagtugon kung kinakailangan.
Ayon kay PBGEN Capili, layon ng hakbang na mapanatili ang ligtas at payapang learning environment para makapag-aral nang maayos ang mga estudyante at magkaroon ng kapanatagan ang mga magulang.
“The safety of our students, teachers, and parents remains one of our top priorities. Through heightened police presence and close coordination with school authorities and local communities, we want to assure parents that their children are safe and secure while attending school,” ani PBGEN Capili.
