Photo from DSWD
Ipinaliwanag ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) na saklaw pa rin ng Juvenile Justice and Welfare Act ang kaso ng nangyaring pamamaril sa Tacloban City.
Sa panayam ng programang Mark In, Mark Out kay JJWC Executive Director Atty. Tricia Claire Oco, hindi pa rin lusot ang mga kabataang sangkot kahit pa nasa 14 at 15 anyos ang mga ito.
Sa katunayan kung ang isang menor de edad ay nasa 15 anyos pataas na ay itinuturing na silang may discernment sa ginawang krimen at ituturing na silang accountable sa nasabing insidente.
May malaking kaibahan nga lang ang pagdaraanang proseso ng mga batang suspek dahil hindi sila ikukulong sa ordinaryong kulungan kundi dadalhin sa isang Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY).
Nasa pasya na rin ng hukuman kung madi-dismiss ang kaso o tuluyan na itong itataas sa kasong kriminal oras na tumuntong sa legal na edad ang batang suspek.