Nasa Dipaculao, Aurora ngayon ang mga operatiba mula sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Ito’y para magsagawa ng re-enactment kaugnay na rin sa pagkasawi nila Rene Baterbonia at Divine Adili ng Ateneo de Manila University Blue Eagles habang nagsasagawa ng teambuilding sa isang resort sa lugar.
Dito, aalamin ng mga awtoridad ang mga pangyayari sa araw kung kailan nasawi ang dalawang student-athletes gaya ng kondisyon ng karagatan nang mangyari ang insidente.
Susukatin din kung gaano kataas ang alon nang mangyari ang insidente gayundin ang lalim at distansya ng lahat ng kalahok sa aktibidad.
Tutukuyin din kung gaano kalayo ang mga biktima na abot ng CCTV ng resort na ibabangga naman sa mga salaysay ng coaches, players, at iba pang testigo.
Tiniyak ng CIDG na wala silang palalampasing malilit na detalye upang mahanap ang katotohanan at maihatid ang katarungan sa mga naulilang pamilya. | ulat ni Jaymark Dagala

