Nagtala ng 6.2 % na kita ang Pension Booster Program ng Social Security System (SSS) mula January hanggang May 2026.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph de Claro , nananatiling matatag ang performance ng programa sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya.
Mas mababa ito kumpara sa 6.83 % noong 2025, ngunit mas mataas pa rin sa 4.77 % 91-day Treasury Bill rate.
Sinabi naman ni Finance Secretary Frederick Go na patunay ito ng patuloy na pagpapalakas ng seguridad sa pagreretiro ng mga manggagawang Pilipino.
Umabot naman sa ₱699 milyon ang kontribusyon sa programa noong 2025, mas mataas ng 21.8 % kumpara noong 2024.
Hinikayat ng SSS ang mga miyembro na mag-ipon nang maaga sa Pension Booster upang mas mapalago ang kanilang pondo para sa pagreretiro.