DOE
Labing limang lokal na pamahalaan na ang pumirma ng kasunduan sa Department of Energy para gumamit na ng renewable at solar energy sa bansa.
Ang kasunduan ay sa ilalim ng programa at inisyatibo ng DOE na Solar Solutions for Government: Energy Efficiency and Renewable Energy in Public Buildings.
Ang mga LGU naman na kabilang rito ay Caloocan, Las Piñas, Malabon, Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Mandaluyong, Manila, Navotas, Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan Taguig at Valenzuela.
Ang siste naman nito maglalagay na ng solar energy sa mga building ng gobyerno para makatipid sa kuryente.
Ang matitipid naman ng mga LGU sa kuryente pwedeng gamitin sa healthcare, edukasyon, social services at iba pa.
Ang mga LGU naman na kabilang rito ay Caloocan, Las Piñas, Malabon, Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Mandaluyong, Manila, Navotas, Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan Taguig at Valenzuela. | ulat ni Louisa Erispe