DEPED, suportado ang pagkakasa ng active shooting drills sa mga paaralan
Suportado ng Department of Education (DepEd) ang pagkakasa ng Active Shooting drills sa mga paaralan na pangugunahan ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Education Undersecretary Dr. Malcom Garma, magiging malaking tulong ang drill na ito upang mas maging handa ang mga paaralan sakali mang may kaparehong insidente ng karahasan ang maganap.
Isa rin ito sa mga nakikitang paraan ng DepEd upang iangat pa ang antas ng seguridad sa mga paaralan bukod sa paglalagay ng dagdag na security personnel at improvement sa physical security structure ng mga paaralan sa bansa.