Photo courtesy of Department of Energy
Bumuo ang Department of Energy (DOE) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Technical Working Group (TWG) upang mapadali ang napapanahong paghahanda ng LPG Cylinder Swapping Program.
Sa naturang pagpupulong, nakatuon ang dalawang ahensiya sa pagsisimula ng mga alituntunin para sa pagtatatag, pamamahala, at pagpapatakbo ng mga LPG swapping center.
Ang LPG Cylinder Swapping Program ay naglalayon na palakasin ang kaligtasan ng mga mamimili sa pamamagitan ng pag-alis ng mga lumang tangke, may sira, at hindi-sertipikadong tangke ng LPG.
Layon din nitong mabawasan ang mga panganib at isulong ang ligtas na paggamit ng LPG sa buong bansa.