NBI iniimbestigahan na rin ang nangyaring pamamaril ng isang estudyante sa Tacloban City
Iniimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nangyaring pamamaril ng estudyante sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, patuloy na ang insinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente at pinakikilos ang kanilang mga tauhan sa pagkalap ng impormasyon.
Muli namang siniguro ng NBI na mas pabibilisin nila ang imbestigasyon maging ang resulta nito.