Kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang panukala ni Senador Robinhood Padilla na ibaba ang Age of Criminal Responsibility sa 10-taong gulang mula sa kasalukuyang 15-taong gulang.
Tinawag ni Tinio ang panukala na “barbaric,” at hindi makatao.
Ayon kay Tinio, ang hakbang na ito ay isang tahasang pag-atras ng pamahalaan sa kaniyang responsibilidad na protektahan ang mga kabataan.
Binigyang-diin ng teacher solon na ang karahasan sa hanay ng kabataan ay bunga ng mas malalalim na suliraning panlipunan tulad ng kahirapan at kakulangan ng maayos na serbisyo publiko.
Imbes aniya na ituring na kriminal ang mga bata, dapat aniyang isulong ang mga reporma upang matugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon.
Paalala ni Tinio, hindi kailangang magpasa ng bagong batas para magparusa dahil sapat ang mekanismo ng Juvenile Justice and Welfare Act.