Nananatiling pinakamabisang paraan upang maturuan ang mga kabataang hindi humantong sa karahasan ang gabay at pagmamahal ng pamilya at mga mahal sa buhay.
Ayon kay Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director, Undersecretary Angelo Tapales, higit sa mga interbensiyong ipinatutupad ng pamahalaan at iba pang mga institusyon at organisasyon upang hubugin ang kamalayan at pagkatao ng mga kabataan, mas makatutulong pa rin ang “human connection” sa mga taong direktang nakakasalamuha ng mga bata lalo na sa tahanan.
Makaaasa rin ang bawat pamilya na kaisa ang pamahalaan sa pagbibigay ng nararapat na atensiyon, kalinga at pangaral para mapabuti pa ang kalagayan ng mga kabataan.