Patuloy ang pagsusulong ng United Nations (UN) sa pandaigdigang transition sa paggamit ng renewable energy at pagtigil na sa paggamit ng fossil fuels.
Sa aktibidad ng London Climate Week, sinabi mismo ni UN Secretary General Antonio Guterres na ito na ang tamang panahon upang ilipat na ang lumang pahina ng fossil fuel at isulat ang mas magandang kinabukasan gamit ang renewable energy.
Ayon kay Guterres alinsunod ito sa mga adhikain ng United Nations na nakaugat sa pagpapalakas pa ng aksyon sa Climate Justice.
Magiging malaking tulong kung unti-unti sa bawat bansa sa buong mundo ay mapapaigting na ang paggamit ng renewable energy upang maiwasan na ang mas malalalang kalamidad dulot ng malawakang polusyon.