Photos courtesy of Department of Information and Communications Technology
Mas ramdam na sa mga komunidad ang digital connectivity sa tulong ng pinalawak na Free Wi-Fi for All program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kabilang dito ang Mutya ng Pasig Mega Market na nakakasabay na ngayon sa digital payments sa tulong ng ikinabit na satellite-powered Free Public Wi-Fi ng DICT.
Layon nitong suportahan ang paggamit ng Paleng-QR Ph plus at tiyaking ligtas at maaasahan ang internet connectivity para sa cashless transactions ng vendors at buyers.
Alinsunod din ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang digital transformation sa mga pampublikong lugar.
Dahil dito, mas mabilis at convenient na para sa mamimili ang cashless na paraan ng pagbabayad.
Maging ang mga vendor, napansin din na mas marami na ngayon ang gumagamit ng QR payments sa kanilang mga pwesto.