Photo courtesy of Office of the Executive Secretary
Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pagpupulong ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan kung saan nagkaroon ng pagrerepaso hinggil sa implementasyon ng kani-kanilang pondo ngayong taon.
Ayon kay Recto, mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng regular na pagsubaybay sa paggamit ng pambansang budget, tugunan ang mga pagkaantala sa pagpapatupad ng mga programa, at tiyaking nagagamit nang maayos ang pondo ng bayan.
Sinabi ni Recto na kailangang masusing bantayan ang paggugol sa budget kasabay ng pangangailangang mabilis din namang maisakatuparan ang mga programa at proyekto sa ikalawang semestre ng 2026.
Kasama din sa napagpulungan ang pagbuo ng pambansang pondo para sa 2027.
Bukod dito, nagsagawa rin ng assessment sa progreso ng mga interbensyon ng pamahalaan sa ilalim ng UPLIFT habang binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagbibigay-prayoridad sa mga programang nagbibigay ng agarang tulong sa mga sektor na higit na nangangailangan.