Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbababa ng Bawat Bayan Makikinabang program sa Cotabato ngayong araw, June 25, 2026.
Partikular na dito ang P40 million na halaga sa ilalim ng Socio-Civi Project Fund (SCPF) sa provincial government ng South Cotabato, habang P96 million naman para sa pamahalaan ng Cotabato.
Makikinabang dito ang mga barangay ng nabanggit na probinsya.
Ang programang ito ng pamahalaan, upang masiguro na walang ni-isang komunidad ang maiiwan sa pagsulong ng buong Pilipinas.
Sa ilalim ng programa, ang P100,000, magagamit ng mga barangay para sa kanilang community projects, habang ang karagdagang P100,000 ay ilalaan para sa presidential scholars.
Ito naman ang programa ng administrasyon upang masiguro na bawat komunidad o barangay sa bansa ay mayroong graduate ng kolehiyo.