Opisyal na ihaharap ng House Prosecution panel si “Mary Grace Piattos” bilang isa sa mga testigo sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Batay sa pre-trial briefing ng prosecution, kinumpirma ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na kasama ang isang “Mary Grace Piattos” na umano’y tumanggap ng confidential funds mula sa tanggapan ng Bise Presidente.
Matatandaang ang naturang pangalan ay naging kontrobersiyal matapos itong matuklasan sa isa sa acknowledgment receipts na isinumite ni VP Duterte sa Commission on Audit (COA), upang bigyang-katwiran ang paggasta ng kaniyang confidential Fund.
Kasama din sa listahan na planong iharap ng prosekusyon sila Atty. Zuleika Lopez, ang kasalukuyang Chief of Staff ni VP Sara.
Si Atty. Michael Poa: Isa sa mga abogado ng Bise Presidente at dating tagapagsalita ng DepEd- kung saan umamin siyang ang pangalawang pangulo ang may direktang kontrol sa paghawak ng naturang pondo.
Si Ramil Madriaga na umamin na nag-deliver ng mga bag na naglalaman ng milyon-milyong salapi na nagmula di umano sa ₱125 milyong confidential funds ni Duterte patungo sa iba’t ibang lokasyon.
Kasama din sa listahan sila dating DBM Sec. Amenah Pangandaman, Col. Raymund Lachica, at Lt. Col. Dennis Nolasco.
Ngayon, ang pang limang araw ng pre-trial conference bago ang pormal na paglilitis ng Senado sa July 06.