Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa limang baybayin na positibo pa rin sa red tide toxin.
Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay Province; Matarinao Bay sa Eastern Samar; coastal waters ng Daram, Samar; at karagatan ng Biliran Island.
Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahahango sa mga naturang katubigan.
Sa kabila nito, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti.