Irerekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapalabas ng Hold Departure Order (HDO) laban sa dating Head Coach ng Ateneo Men’s Basketball na si Tab Baldwin.
Ito ay kaugnay ng pagkasawi ng dalawang basketball players ng Ateneo na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Interior Sectretary Jonvic Remulla, na kasalukuyang nasa ilalim si Baldwin ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) at sa oras na maisampa ang mga kaukulang kaso ay irerekomenda nila ang pagpapalabas ng HDO.
Ayon kay Remulla, sinabihan na rin niya si Baldwin noong una pa lang na huwag umalis ng bansa at sumagot daw ang head coach na wala itong planong umalis ng Pilipinas.
Matatandaang inanunsyo ni Remulla ang pagsasampa ng kaso laban sa 11 indibidwal na may kinalaman sa pagkasawi nina Baterbonia at Adili
Kabilang sa mga sasampahan ng paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law si Baldwin.