Photo courtesy of Pride PH
Inaasahang dadagsa ang libu-libong kalahok sa LoveLab4n 2026, ang taunang Pride Festival ng Pride PH, na gaganapin sa June 27 sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City.
Bahagi ng programa ang Pride Expo kung saan magkakaroon ng marketplace tampok ang adbokasiya ng naturang komunidad; Pride Villages para sa food, art, music, at safe spaces sa area ng Maginhawa at Araneta; gayundin ang Pride March kung saan inaasahang magtitipon ang libu-libong kalahok upang ipanawagan ang pagbabago at inklusibong lipunan.
Magtatapos ang pagdiriwang sa Pride Night na magbibigay-pugay sa talento, kultura, at katatagan ng LGBTQIA+ community.

Layon ng pagtitipon na ipagdiwang ang pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at pagsusulong ng mga karapatan ng LGBTQIA+ community sa bansa.