Nagpaabot ng pakikiramay at solidarity ang Makabayan Bloc ng Kamara para sa mga mamamayan ng Venezuela matapos yanigin ng kambal na malalakas na lindol na kumitil ng buhay ng mahigit 200 katao.
Sa pinagsamang pahayag nina Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers), Rep. Sarah Jane Elago (Gabriela), at Rep. Renee Louise Co (Kabataan), binigyang-diin ng grupo na ramdam ng mga Pilipino ang hagupit ng trahedya dahil ang Pilipinas mismo ay madalas ding sinasalanta ng mga kalamidad.
Tumama ang magnitude 7.2 at 7.5 na mga lindol nitong June 24 sa bayan ng Moron kung saan 235 katao na ang kumpirmadong nasawi, mahigit 700 ang sugatan habang patuloy ang rescue operation.
Dahil sa matinding pinsala, nanawagan ang grupo sa international community na magpadala agad ng ayudang humanitarian para sa mabilis na pagbangon ng bansa.