Nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Executive Order No. 29, Series of 2026 o ang “Manila Schools Safety Initiative” na lumilikha sa Manila School and Community Safety Task Force upang maiwasan ang mga insidente ng armadong karahasan at mass casualty sa mga paaralan at pampublikong lugar.
Sa ilalim ng kautusan, palalakasin ng Manila Police District ang operasyon laban sa mga loose firearms, illegal gun trafficking at mga armadong grupo, habang inatasan ang Schools Division Office of Manila na bumuo ng School Safety and Threat Assessment Teams sa bawat school district at magsagawa ng regular na emergency at lockdown drills.
Inatasan din ang MPD at SDO-Manila na magsagawa ng school safety audit sa lahat ng pampublikong paaralan sa loob ng 90 araw, habang binigyan ng 180 araw ang mga paaralan at barangay upang makumpleto ang kani-kanilang school safety at emergency response measures.