Para palakasin ang ugnayan sa mga overseas Filipino, nakipagpulong si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Filipino community at mga opisyal ng Philippine Embassy sa Washington, DC.
Sa naturang dayalogo, ibinahagi ni Remulla ang mga ikinakasang reporma sa Office of the Ombudsman na nakatuon sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko at pagpapahusay ng mga mekanismo para mapanagot ang mga tiwali.
Binigyang-diin din niya ang patuloy na digital transformation, institutional reforms, at mas pinalawak na international cooperation ng ahensya.
Ayon sa Ombudsman, mahalaga rin ang pakikiisa ng mga overseas Filipino sa laban kontra katiwalian at sa pagsusulong ng transparency.
Aniya, sisikapin ng kanyang tanggapan na hindi maging kanlungan ang Estados Unidos ng ill-gotten wealth mula sa Pilipinas.
Isinagawa ang pagpupulong matapos ang kanyang paglahok sa 7th Global Conference on Sustainable Development Goal 16 sa United Nations Headquarters sa New York.
📸 Office of the Ombudsman

