Ininspeksiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang itinatayong legacy building sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na magiging pinakamalaking dialysis center sa South East Asia.
Ayon sa Pangulo, malapit nang matapos ang Phase 1 at nagsisimula na ang Phase 2 ng nabanggit na proyekto.
Kailangan aniyang magkaroon na ng ganito kalaking dialysis center sabi ng Punong Ehekutibo dahil lumalabas sa datos na 11 percent ng mga Pilipino ay may chronic kidney disease o CKD.
Sabi ng Pangulo, pinabibilisan na niya ang konstruksiyon ng Legacy Dialysis Center na target na tapusin ng December 2027, at nang sa gayon ay mabuksan at makapagsilbi na sa ating mga kababayan ng early 2028.
Buo na aniya ang pondo para sa construction ng itinatayong gusali sa NKTI at inaasahang matatapos sa target date ang completion nito.