CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v80), quality = 90?
Nakatakdang talakayin ng House Committee on Basic Education and Culture at mga opisyal ng Department of Education (DepEd) sa Lunes, June 29, ang mga magkakasunod na trahedya sa mga paaralan na nag-iwan ng mga sugatan at pagkasawi ng mga mag-aaral.
Kinumpirma ni Committee Chair Roman Romulo na pangunahing sasalang sa kanilang agenda ang paghingi ng update sa Department of Education (DepEd) hinggil sa kaligtasan ng mga bata sa loob at labas ng eskwelahan.
Ayon kay Romulo, handa ang kanyang komite na magkasa ng “motu proprio” investigation kung kakailanganin para maimbestigahan ang mga kapabayaan.
Sa ngayon, hindi bababa sa anim na House Resolution ang nakasalang sa Kamara para sa isang malalimang Congressional Inquiry-in-Aid of Legislation.
Kabilang sa mga iimbestigahan ay ang:
• Shooting incident sa isang paaralan sa Tacloban.
• Stabbing incidents sa General Trias at Cavite City.
Pagkalunod ng dalawang atleta mula sa Ateneo de Manila University.