Tututukan ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang mga strategic investment para sa mga proyektong imprastraktura upang mahikayat ang pagpasok ng pribadong puhunan sa bansa.
Ito ang inihayag ni MIC President at Chief Executive Officer Rafael D. Consing Jr. sa isang fireside chat sa Philippine Blockchain Week 2026.
Ayon kay Consing, binibigyang-priyoridad ng sovereign wealth fund ng Pilipinas ang mga proyektong may mataas na “economic multiplier effect” o yaong mga makapagdudulot ng malawakang paglago sa ekonomiya.
Binigyang-diin ng MIC Chief na ang seguridad sa enerhiya ang pinakamahalagang aspeto para sa pambansang pagsulong.
Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa Philippine National Oil Company (PNOC) at sa pribadong sektor para sa pagpapatayo ng mga common-user fuel storage facility (shared na imbakan ng langis) para sa suplay ng krudo sa bansa.
Ang pagpapalawak ng mga sub-transmission infrastructure sa mga off-grid na lugar o ang mga islang sineserbisyuhan ng Small Power Utilities Group (SPUG).
Sa unang tatlong buwan ng 2026, nakapagtala ang MIC ng net income of P629 million.
At nakapag remit naman ng ₱1.376 billion in cash dividends sa National Government sa pamamagitan ng Bureau of the Treasury, para sa fiscal year 2025 net earnings.