Tinatayang aabot sa ₱9 milyon ang halaga ng mahigit 101,000 pakete ng hinihinalang iligal na sigarilyong nakumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Cauayan City, Isabela.
Isinagawa ang operasyon sa isang hotel sa lungsod sa pakikipagtulungan ng BIR, Philippine National Police (PNP), at lokal na pamahalaan ng Cauayan City.
Tinataya ng BIR na umabot sa mahigit ₱82.7 milyon ang posibleng nawalang kita ng pamahalaan mula sa excise tax at value-added tax (VAT) dahil sa mga nasamsam na produkto.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, bahagi ito ng pinalakas na kampanya ng ahensya laban sa mga iligal na produktong tabako at tax evasion.
Dagdag pa ni Mendoza, paiigtingin pa ang koordinasyon sa mga law enforcement agencies at mga lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang kita ng gobyerno at mapanagot ang mga lumalabag sa batas.