Magpapadala ng subpoena ang Department of Labor and Employment sa mga opsiyal ng Ateneo de Manila University, partikular na sa Presidente ng Unibersidad na si Fr. Roberto Yap.
Ito’y para humarap sa pagpapatuloy na “clarificatory session” ng dole hinggil sa work status at authority ni resigned ateneo blue eagles coach tab baldwin na magtrabaho sa Pilipinas.
Sa pagharap ni Baldwin sa Dole kanina, nagisa ito kaugnay ng kanyang kontra sa Ateneo bilang employer maging sa alien employment permit nito habang nagtratrabaho sa bansa.
Dahilan para ipag-utos ni Labor Sec. Francis Tolentio na paharapin ang Ateneo sa Dole para magbigay ng kalinawan.
Ang susunod at huling clarificatory session ay isasagwa na july 9 bago maglabas ng resulosyon hinggil sa status ng pagtatrabaho ni Baldwin sa bansa. | ulat ni DK Zarate