Naghain ng “manifestation” ang grupong pistion sa Korte Suprema upang umapela na patuloy dinggin ang kanilang petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng PUV Moderniozation Program.
Partikular na ang umanoy “forced consolidation” sa ilalim ng isang samahan na inuutos ng Department of transportation.
Ayon kay Atty. Kristina Conti, legal counsel ng grupong Piston, hiningan sila ng posisyon ng Korte kung maituturing ng “moot and academic” ang kanilang petisyon matapos i-update ngdotr ang guidelines ng programa o patuloy na i-extend ang consolidation sa ilalim ng programa.
Pero giit ni Atty. Conti, dapat patuloy na dinggin ang reklmo at hinihiling din nila sa korte ang paglalabas ng temporary restraining order o tro upang pansamantalang itigil ang implementasyon ng p-u-v-m-p habang walang resolusyon sa reklamo.
Giit ng Piston, hindi sila kontra sa layunin ng modernisasyon ng PUVS basta’t ito ay naayon sa batas at makatao. | ulat ni DK Zarate