Ilalabas na sa susunod na linggo ng Office of the Ombudsman ang resulta ng preliminary investigation sa kasong kinakaharap ni Senador Joel Villanueva.
Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kinailangang magsagawa ng panibagong imbestigasyon matapos umanong hindi tanggapin ng Office of the Ombudsman ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ).
Matatandaang noong Hunyo 3, sinabi ni Remulla na posibleng masampahan ng kaso si Villanueva sa loob ng dalawang linggo.
Noong Enero 26 naman, nagsumite si Villanueva ng kanyang counter-affidavit sa DOJ kaugnay ng alegasyong tumanggap siya ng kickback sa umano’y maanomalyang flood control project.