Screenshot
Tiniyak ng Department of Energy na may sapat na suplay ng langis ang Pilipinas katunayan base sa kanilang inventory may 41.16 days na suplay ang bansa.
Ang gasolina nasa 42.19 days, ang Diesel 37.66 dayd at ang kerosene ay 212.41 days. Mataas din ang sa Jet Fuel, Fuel Oil at LPG.
Sa isang press conference ayon naman kay DOE Undersecretary Sandy Sales bagamat sapat, bahagyang bumaba ang suplay kung ikukumpara noong mga nakaraang linggo na nasa 43 days ang suplay. Pero hindi naman aniya ito dapat ikabahala ng publiko dahil ang pinapakita lang nito na inaasahang bababa na ang presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Giit ni Sales hindi aniya agad na bumubili ng suplay ang mga kumpanya ng langis dahil inaaantabayanan ang pagbaba ng presyo sa merkado.
Handa naman aniya na agarang umalalay at gumawa ng aksyon ang DOE kung kakailanganin ng karagdagang suplay. | ulat ni Louisa Erispe