Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng fuel subsidy ng pamahalaan sa mga drayber na apektado ng mataas na presyo ng langis.
Katunayan nga sa datos ng Department of Energy umabot na sa 75, 485 na mga PUV drivers ang nabigyan ng fuel subsidy ng pamahalaan. Ito ang sampung pisong diskwento sa kada litro ng gasolina na ibinibigay ng mga accredited gasolines stations sa bansa.
Sa isang press conference ayon kay DOE Director Rino Abad sa tantsa nila 30 million pesos ang naipapamahaging tulong sa mga tsuper kada linggo kaya sa kabuuan umabot na sa 181 million, 700 thousand 62 pesos ang nagamit na pondo sa programa simula nang ilunsad ito noong April 13, 2026.
Patuloy naman nilang dinadagdagan ang mga gasolinahan na kasama sa programa at kahit pa bahagya nang bumababa ang presyo ng langis patuoy pa rin ang pagbibigay tulong sa mga tsuper habang nasa energy emergency ang bansa. | ulat ni Louisa Erispe