Senate of the Philippines
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng kasong plunder ngayong linggo si Senador Rodante Marcoleta.
May kaugnayan ang kaso sa kinukuwestiyong campaign donation ng senador.
Sa isang pulong-balitaan, sinabi rin ni Remulla na may isa pang senador na kasalukuyang sumasailalim sa preliminary investigation, ngunit tumanggi muna siyang pangalanan.
Inihayag din ni Remulla na nasa walong contractor na ang kasalukuyang nasa yugto ng preliminary investigation, habang isa pa ang inaasahang sasampahan ng kaso sa susunod na linggo.
Karamihan sa mga kasong ito ay may kaugnayan umano sa mga maanomalyang flood control project at conflict of interest.
Samantala, inanunsyo rin ni Remulla na pinayagan na ng anti-graft court na maging state witness si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.