Photo courtesy of PNP
Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pakikipag-ugnayan nito sa mga paaralan at lokal na pamahalaan para lumikha ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral sa loob at labas ng mga paaralan.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang lahat ng Police Regional Office at lokal na pulisya na magtatag ng regular na ugnayan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).
Ito’y para palakasin ang proteksyon sa mga bata at tiyakin ang mas ligtas na learning environment, salig sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kaya naman hinikayat ni Nartatez ang mga pamunuan ng eskwelahan at lokal na pulisya na magsagawa ng tamang security assessment bago magkasa ng off-campus activities.
Layon nito na maiwasang maulit ang nangyaring team-building activity ng Ateneo de Manila Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora na nagresulta naman sa pagkasawi ng student athletes nito.