Ayon kay Commissioner Viado, ang pagkakaaresto sa sampung dayuhan sa Siargao ay patunay ng pinaigting na operasyon ng BI laban sa mga lumalabag sa immigration laws, kasabay ng mas mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang law enforcement agencies.
Iginiit din niya na nananatiling bukas ang Pilipinas sa mga dayuhang sumusunod sa batas, habang patuloy na pinapalakas ng BI ang pagpapatupad ng batas upang mapanatiling ligtas, maayos, at kaaya-aya ang mga tourist destination sa bansa.