Tiniyak ni Justice Sec. Fredderick Vida na nakatutok at nakahanda ang kanilang ahensya sa anumang posibilidad na pagrereklamo hinggil sa sino mang lalabag sa batas, kahit may kaugnayan sa mga kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.
Paliwang ni Vida bahagi ng kanilang mandato ang umusig sa mga lumalabag sa batas.
Matatandaan na sa mga nakaraang kilos-protesta ay nag-deploy ang DOJ ng mga prosecutor para sa mas mabilis na proseso ng pagsasampa ng reklamo sa mga naarestong indibidwal sa mga rally.
Sa ngayon, walang tinukoy si Vida na deployment subalit siniguro nito ang kanilang pagiging handa sa anumang posibilidad.