Naghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang 17-taong gulang na estudyanteng nasugatan matapos umanong saksakin ng kapwa menor de edad sa labas ng kanilang paaralan sa Silang, Cavite.
Sa pagbisita ng DSWD Field Office sa Calabarzon sa biktima, iniabot ng mga social worker ang ₱10,000 cash assistance para makatulong sa gastusing medikal ng biktima.
Kinamusta rin ang lagay ng estudyante at ang kanyang pamilya matapos ang insidente.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga kinauukulang ahensya para maibigay ang angkop na psychosocial support at iba pang tulong para sa tuluyang paggaling ng estudyante mula sa trauma ng insidente.
📸 DSWD
