Inaabangan na lamang ngayon ng House Prosecution panel ang ilalabas na pre-trial order mula sa Senate Impeachment Court.
Tinatayang ilalabas ng Senado ang pre-trial order bago ang July 6 na paglilitis ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Trial Spokeperson Zia Alonto Adiong, ang pre-trial order ay magsisilbing gabay at magpapakita ng magiging daloy ng paglilitis na magsisimula sa susunod na Lunes.
Ipinaliwanag ni Adiong na nakapaloob sa pre-trial order ang buod ng mga napagkasunduan noong pre-trial conference, pati na rin ang magiging desisyon ng Senado sa mga hiling at mosyon ng magkabilang panig.
Kabilang sa mga partikular na isyung inaasahang reresolbahin ng impeachment court ay ang pagbubukas ng BIR Box, paggamit ng wikang Filipino.
Binigyang-diin ng tagapagsalita na sa oras na mailabas ang kautusang ito, malilinawan ang prosekusyon, ang depensa, at ang buong sambayanan kung aling sa mga isyu ang naresolba na bago pa man magsimula ang pormal na paglilitis.