Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagmo-monitor sa sitwasyon.
Ito ay kaugnay ng isinasagawang rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kahabaan ng EDSA.
Binigyang-diin ng AFP na kinikilala at iginagalang nito ang karapatan ng bawat Pilipino na mapayapang magtipon at magpahayag ng kanilang saloobin.
Gayunman, sinabi nitong nararapat na isagawa ang lahat ng pampublikong aktibidad alinsunod sa umiiral na batas, regulasyon, at mga kinakailangang permit na inisyu ng mga awtoridad.
Hinikayat din ng AFP ang mga organizer na tiyaking hindi makaaabala ang kanilang mga aktibidad sa kaayusan at hindi magdudulot ng abala sa publiko.
Bilang isang professional at non-partisan institution, muling iginiit ng AFP ang patuloy nitong suporta sa mga hakbang ng pamahalaan na nagtataguyod ng kapayapaan, public safety, at rule of law.