Photo courtesy of DPWH
Mas maluwag at tuluy-tuloy na ang daloy ng trapiko sa Pasig Boulevard-C5 Flyover sa Bagong Ilog, matapos buksan nang mas maaga sa itinakdang iskedyul.
Binuksan ang northbound lane alas-dose ng tanghali kahapon (November 2), habang alas-dose naman ng hatinggabi nitong Martes nang buksan ang southbound lane.
Ayon kay Public Works Secretary Banoy Lopez, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagbubukas ng flyover upang mapagaan ang biyahe ng mga motorista at komyuter.
Tulad ng mga pauwi mula sa mga probinsya at babalik sa trabaho at eskwelahan matapos ang Undas.
Samantala, inanunsiyo rin ni Lopez na sisimulan na ang rehabilitasyon ng C5 Road bilang pagpapatuloy ng mga proyektong sinimulan ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Layunin nitong matiyak ang mas ligtas at mabilis na biyahe para sa mga motorista at komyuter na matagal nang naaabala sa mga lubak at sirang bahagi ng kalsada.