Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 16.1% ang kabuuang kalakalan ng Pilipinas noong May 2026.
Ayon kay PSA Undersecretary National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa, umabot sa US$21.23 bilyon ang total external trade ng bansa, dahil sa pagtaas ng halaga ng exports at imports.
Tumaas ng 7.6 % ang export sales sa US$7.87 bilyon, kung saan nanguna pa rin ang electronic products bilang pangunahing iniluluwas ng bansa.
Samantala, umakyat ng 21.9 % ang imports sa US$13.36 bilyon, dahilan upang lumawak ang trade deficit sa US$5.48 bilyon.
Sinabi pa ni Mapa, nananatiling pinakamalaking export market ng Pilipinas ang Estados Unidos, habang China pa rin ang pangunahing pinanggagalingan ng inaangkat na produkto.