Hindi nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mangamba ang pagtitipon ng libo-libong miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa bahagi ng EDSA, nitong Martes.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, alam ng Pangulo ang kaniyang ginagawa para sa mga Pilipino.
Hindi aniya dapat maging hadlang sa pagpapatupad ng batas ng administrasyon, ang interes ng sinomang indibidwal o grupo.
Ang ipinagtataka lamang aniya ng Pangulo, bakit kinailangang mauwi sa pagtitipon ng INC members ang anunsyo ng Office of the Ombudsman, na sasampahan na ng kasong plunder si Senator Rodante Marcoleta.
Ayon kay Castro na iniri-respeto ng Pangulo ang karapatan ng bawat Pilipino sa paghahayag at pagtitipon, ngunit hindi aniya ito rason upang abusuhin.
Dapat din aniyang igalang ang karapatan ng ibang tao upang hindi maapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil lamang sa pagtitipon. “Iyong rally kaninang madaling araw ay nabigyan naman agad ng impormasyon ang Pangulo at ang Pangulo naman ay niri-respeto ang karapatan ng bawat tao, ang freedom of expression, ang freedom of assembly pero hindi kinikilala ng Pangulo ang mga pang-aabuso na may kaakibat dito.” —Castro.