Aabot sa 92 trial days ang inaprubahan ng senate impeachment court batay sa inilabas na pre-trial order para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pre-trial order na pirmado ni Senate President Sherwin Gatchalian, na siyang presiding officer rin ng impeachment court, inaprubahan ang hiling ng prosekusyon na 62 trial days at 30 trial days naman para sa defense team ni VP Sara.
Nakasaad din na magsisimula ang impeachment trial sa July 6 at gagawin ang paglilitis tuwing Lunes, Martes at Miyerkules mula alas-dos ng hapon.
Ang schedule na ito ay hanggang bago ang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa July 27.
Pagkatapos ng SONA at pagbukas na muli ng sesyon ay gagawin na ang impeachment trial tuwing martes, miyerkules ay huwebes mula alas tres ng hapon.
57 na testigo ang inilista ng prosekusyon na testigong ihaharap nila habang 45 naman sa defense.
Sa bilang na ito, 17 ang common witnesses o magkakaparehong testigo na ihaharap ng prosekusyon at depensa.
Nakasaad rin sa pre-trial order na Filipino at English ang gagamiting lengwahe sa paglilitis.
Itinatakda rin ang disclosure o pagpapaalam ng balak idagdag na testigo, tatlong araw bago ang naka schedule na pagharap sa paglilitis
Nitong Lunes, nabigyan na ng kopya ng senate impeachment court ang prosekusyon at depensa ng kopya ng pre- trial order at mayroon silang tatlong araw o hanggang Huwebes para magkomento dito. | ulat ni Nimfa Asuncion