Ipinaliwanag ni Justice Secretary Fredderick Vida na walang kaso laban kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na nasa kanilang tanggpan.
Ayon kay Vida, ang Office of the Ombudsman ang may hawak ng kapangyarihan upang suriin ang lahat ng anggulo para mapanatili ang pananagutan ng mga pampublikong opisyal.
Nagpaliwanag din si Vida hinggil sa pagtalaga kay Bonoan bilang state witness.
Aniya parehong may awtoridad ang DOJ at Ombudsman na magtalaga ng state witness base sa umiiral na batas.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang kalihim hinggil sa usapin ng posibleng restitusyon o pagbabalik ng pondo ni Bonoan.