Tumanggi pa munang magkomento si Senate President Sherwin Gatchalian sa posibleng pagsasampa ng Ombudsman ng kasong plunder laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Ayon kay Gatchalian, wala pa naman ang kaso kaya mahirap pang magkomento.
Hindi rin muna sumagot ang Senate president nang matanong rin kung ano ang gagawin ng Senado kung humiling ng proteksyon mula sa kanila si Marcoleta.
Mensahe naman ni SP Win sa mga nagtitipon sa EDSA, respetuhin rin ang kaayusan at ang nagpapatupad ng kaayusan.
Samantala, pinahayag naman ni Senador Ping Lacson ang paniniwala kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi ito bibigay sa anumang pressure o magpapaimpluwensya sa mga rally ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang suporta kay Senador Rodante Marcoleta.
Umaasa rin si Lacson na mapapanatili ng Philippine National Police (PNP) ang kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na pinagdadausan ng mga aktibidad ng INC.