Aabot sa ₱5.8 bilyon ang nakahandang resources ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa patuloy na pagtugon sa mga komunidad na apektado ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa bansa.
Batay sa datos ng DSWD, nasa ₱2.3 bilyon ang standby Quick Response Fund na available sa Central Office at mga Field Office. Bukod dito, mayroon ding mahigit ₱3.4 na bilyong halaga ng relief stockpile na binubuo ng Family Food Packs (FFPs) at non-food items.
As of August 31, nakapaglaan na ang DSWD ng halos ₱1.6 na bilyong halaga ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na kalamidad at habagat sa 11 rehiyon sa bansa.
Samantala, libo-libong Family Food Packs ang ipinadala pa mula sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City patungo sa DSWD Field Office 3 o Central Luzon, bilang augmentation support sa relief operations sa mga komunidad na apektado ng habagat.
Tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tuloy-tuloy ang dispatch ng relief supplies at pamamahagi ng cash assistance sa mga apektadong lugar.
📸 DSWD

