Iniulat ng North Luzon Expressway (NLEX) ang patuloy na pagtaas ng tubig sa Pampanga River, na nakaapekto sa NLEX San Simon.
Ayon sa motorist advisory ng NLEX, as of 1PM ng hapon ngayong August 31, hindi muna madaanan ng mga Class 1 o light vehicles ang San Simon Interchange at Tulaoc areas, northbound at southbound.
Sa northbound, inililihis ang mga Class 1 vehicles sa Sta. Rita Exit at pinapayuhang dumaan sa Maharlika Road patungo sa CLLEX.
Sa southbound naman, idinadaan ang mga Class 1 vehicles sa Mexico Exit. Pansamantala ring hindi pinapapasok ang Class 1 vehicles sa ilang entry toll plazas.
Samantala, ang mga Class 2 at 3 vehicles ay maaari pa ring magpatuloy sa mga passable na lane ng NLEX San Simon at Tulaoc.