Photo courtesy of DSWD Bicol
Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Region sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Glan, Sarangani.
Bilang bahagi ng pinaigting na on-the-ground response operations, namahagi ang DSWD Bicol ng mga sleeping kit sa mga evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa Tamparan A at Tamparan B Evacuation Centers, sa Barangay Pangyan.
Binisita rin ng grupo ang iba pang evacuation sites upang magsagawa ng patuloy na monitoring at maghanda para sa mga psychosocial support activities na ipatutupad para sa mga apektadong indibidwal at pamilya.
Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit pang paigtingin ang kahusayan ng disaster response operations, at tiyakin ang kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng kalamidad.