Tahasang inihayag ni Senior Deputy Minority Leader at Mamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na ang mga binitiwang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa naganap na rally sa EDSA ay isang malinaw na hakbang upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kanyang nalalapit na impeachment trial sa Senado.
Ito ang naging tugon ni De Lima kasunod ng pahayag ni Duterte na ang pagtitipon ng mga demonstrador sa EDSA ay sumasalamin sa lumalalang sentimyento ng taumbayan laban sa kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa mambabatas, ginagamit lamang ng Bise Presidente ang sitwasyon upang i-divert o ilihis ang usapin sa mga mabibigat na isyung kinakaharap nito.
Binatikos din ni De Lima ang tila napakalaking kontribusyon nito, habang pinalalabas na palubha nang palubha ang problema ng bansa.
Binigyang-diin ng mambabatas, na ang tunay na inaasahan ng taumbayan mula sa Pangalawang Pangulo ay ang harapin nito ang mga seryosong paratang laban sa kanya, na paulit-ulit at sadya umano nitong iniiwasan sa mga nakalipas na pagdinig.